Posts

Image
 YUSOPH MANDO suportado ang kampanya ni PDU30 KONTRA DROGA sa BARANGAY at ang industriya ng HALAL sa PILIPINAS Muli na namang ipinahayag ng negosyanteng si Yusoph Mando ang kanyang buong suporta sa administrasyong Duterte sa patuloy na kampanya nito kontra ipinagbabawal na gamot sa pamamagitan ng pag gamit ng kakayahan ng mga barangay upang makatulong sa pagsugpo sa nasabing salot. Sa panayam ng www.diaryongtagalog.net na makikita sa video niya isinalaysay niya ang kanyang mga dahilan sa kanyang buong suporta sa kasalukuyang administrasyon pati ang industriya ng Halal na ngayon ay todo ring sinusuportahan ng pamahalaan lalo sa katatapos lamang na digmaan sa Marawi. Wika niya ay lubhang naging mahalaga ang Halal assemby na nakaraan ay isinulong ng Kagawaran ng Agham at Teknolohiya sa Rehiyon 12 na si DR. Zenaida Laidan dahil sa pamamahitan aniya ng mga katulad na aktibidad ay namumulat ang madla lalo ang mga hindi Muslim sa gawi at pamamaraan ng Islam na maaring gayahin at ipatupad p